ano ito scholastican or thomasian reunion?

color of the night... black?
all smiles!!!!
well ang mga nagsipunta ay sina: charmaine cunanan, cindy david, kristina erese, ana joyce lacson, emmy mallari, menchu paningbatan, mariviel panopio, maricar santos, jenny sicat, cathrina tantamco, racquel tuazon and reah villegas
ang unang destination ay jollibee northwalk pero ang gusto ng majority ay pizza, tapos lumipat kami ng shakey's na kamalasmalasan pala ay sarado na dahil may xmas party daw ang mga crew... so lumipat na lang kami ng daan at nagpunta kami ng yellow cab... putik!!! para kaming mga bata na di marurunong tumawid...
i love this picture...
isa pang picture... patawid papuntang yellow cab
sa yellow cab... actually nanglibre si racquel (dollars kasi ang sweldo...salamat racquel...heheheh... and since ang tatagal na namin hindi nagkikita... punong-puno ng kwentuhan ang dinner namin...





para ipagpatuloy ang chikahan, lumipat kami ng northwalk... nagkape sa gloria jeans... ang mga natira para magkape ang mga matitibay sa puyatan... and as usual... inumaga na ng paguwi...

in fairness nag-enjoy naman ang lahat... maraming nakwento at ikinuwento... maraming ipinaalam at nalaman... pero siguro next time, masmaaga na lang ipapaikot ang message para naman mapaghandaan ng mga pipol ang girls night-out at siyempre masmaraming makasama... and it would be a great idea na gawin ito as yearly celebration ng 4A, tama ba?