Saturday, May 30, 2009

happy ending ulit

the day after we broke up... we ended up together again... pinagsisihan ko na hindi ko pinag-isipan to the maximum level ang pakikipaghiwalay ko sa kanya... and i realized things na i took for granted before dahil nga sa matagal na kami - na kung maswerte siya sa akin, mas-maswerte pala ako for having him in my life.. i know he had childish views before and i hate him for it, pero as time flies, i may say he is maturing...

isa pang point kung bakit ko nasabi na maswerte ako sa kanya ay sa dami na ng pinagdaanan namin at ng mga kasalanan na nagawa ko sa kanya, nandyan pa din siya for me at hindi siya sumusuko... yun lang nga, siguro sa nangyari sa amin, oo madalas kami nag-usap, but we seldom communicate...

sa ngayon, we are trying to bring back the spice in our relationship... and week after week, it keeps getting better and better... yyyeeebbaahhh!!!

Friday, May 29, 2009

a nightmare

kahit pala ang pinakagusto mong ulam ang kakainin mo araw-araw, darating din ang panahon na magsasawa't magsasawa ka din...dumating ako sa puntong, nagsasawa na ko sa relasyon ko dahil, isang beses na lang nga kami magkita sa isang linggo, pare-parehas pa ang ginagawa namin... alam mo yon, walang pagbabago... instead na i am looking forward to seeing him, nagiging obligasyon na lang ang pagkikita namin...

isa pang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay lis that, pikang-pika na ko (alam ko naman na matimpihin at pasensyoso tao ako... pero sobra-sobra na) sa panunukso nya na mataba ako... walang araw na hindi nya pinamukha sa akin na mataba ako... meron pa ngang iba na masmataba sa akin... bakit hindi nya ba nakikita ang pagmamahal ko over my physical attribute na hindi pleasing sa kanyang mata??? and as of now losing weight is my least priority kasi i'm reviewing... i want to pass my board exam and i dont have any time to go to the gym and exercise... diba mas maganda na sana bigyan nya na lang ako ng moral support kaysa sa ganito na na-dedemoralize ako sa kanya...

hindi ko alam kung ano kahihinatnan ng ginawa kong pakikipaghiwalay sa kanya, kung kakayanin ko ba or whatsoever... i know i love him so much but i want him to realize kung anong mawawala kapag hindi na ko sa kanya...

Thursday, May 21, 2009

4ba4 reunion part1

last 052009, almost five years after graduation and of course not seeing them, ang nagsimula sa yayaan sa ym at walang kamatayang yayaan sa text ay nangyari... the first ever 4ba4's mini reunion... of course mini lang dahil 6 lang kami nagpunta...

it was held at tong yang (megamall)... madami
ng kwentuhan... sa mga buhay-buhay namin after 5 years... at lahat sila successful na... ako.. kahit wala pa akong trabaho ngayon, soon i'll be a CPA...

pero next time, dapat weekend na ang part two... at for sure na yon... madami kasi nagrerequest para makapunta naman ang madami...

at heto ang aming mga pictures... hehehe... walang masyadong nagbago sa mga pagmumukha ng mga tao
after 5 years...





















Tuesday, May 12, 2009

a.k.a. despedida

second on my list of adventures this may was cathrina's despedida... last 0511-1209, we pushed through our much anticipated pa-despedida for cathrina.. madaming beses na siyang na-rescheduled due to some fortuitous events and to give way to her other activities... umuwi ako ng pampanga ng maaga para makapag-prepare for the despedida because we want it to be as memorable as possible... since meron syang interview ng umaga and gabi pa ang punta namin sa subic, for the mean time emmy and i went to angeles to get my TOR and helped her tita...
so gabi na, umuulan daw sa manila and cathrina is expected to arrive pampanga by 8.30 - 9.00pm.. she suggested na tomorrow morning na lang kami pumunta ng subic para salubungin ang bukang liwayway... i insisted na gabi na kami pumunta kasi nahihirapan akong gumising ng umaga... so we ended na kaming dalawa ni emmy ang pumunta ng subic tapos susunod na lang si cathrina tomorrow morning...
at subic, we first went to pier one, nanood ng banda and ordered calamares, fries and shakes... wala talaga kaming intention na uminom, ang gusto lang namin ay manood ng banda at magsaya...

after pier one, we went to ocean view para mag-camp... it was my first time na matulog sa isang resort na naka-tent... since may kape ako sa katawan, hindi ako masyadong nakatulog and talagang gusto kong makita ang sunrise...

cathrina didn't make it noong umaga kasi nagkaroon sya ng emergency exit interview with the general manager... so emmy and i decided to swim na lang din sa ocean view kaysa sa gumastos pa kami just to swim sa camayan or white rock...
we ate lunch sa the coffee shop... astig... doon ko lang nakitang malakas pala kumain si emmy (parehas lang kami)... ang good for 3-4 persons, kinain lang naming dalawa ni emmy... we had seafood platter, chicken fried rice and jumbo tacos... yummmyyyyyy!!!!
our day ended by meeting cathrina sa northwalk 2... we had halo-halo... konting kwentuhan and then uwian na...
sayang lang nga hindi namin nakasama si cathrina sa subic... siguro it would be happier kung kasama namin sya...


Thursday, May 7, 2009

bsa summer '09

my first adventure on my list is the bsa5 summer escapade... and we have a long list of visitors... masmadami pa ata

ang visitors namin kumpara sa bsa5... it was held last may 05-06, 2009 at fontanna... it was a time to party before magsimula ang review sessions namin... umaapaw na pagkain, nakakabitin na alak, madaming kwentuhan at sayawan ang nangyari... okay lang yon diba kasi pagkatapos nito, puyatan at serious mode na sa pagrereview ang lahat for the boards.... lahat naman ay nag-enjoy... kahit na may pangyayaring di inaasahan, kailangan the show must go on... sayang lang nga hindi kami nakapag-swimming kasi umuulan... di ko alam sabi nila may bagyo daw... so heto na mga picture's ng "one night escapade" ng bsa5...

Saturday, May 2, 2009

my first time

grabe ngayon ko lang naranasan sa talambuhay ko na balik-balikan ang isang carinderia hindi dahil masarap doon ang pagkain... kung hindi para makinood ng tv para sa inaabangan kong "fated to love you"...

...bawal magdala ng tv... mawawala ang focus ko sa review... isa siyang limonyo!!!!

Friday, May 1, 2009

review 101

start na ng self review ko... sana madami akong matapos...

start na din ng adventures... sana makarami...

and that is what you call BALANCING and TIME MANAGEMENT... bow