Saturday, July 18, 2009

buhay reviewee

grabe nakakapagod ang buhay reviewee... sobrang stressful... ang buong araw mo ay nilalaan mo lang sa pagbabasa, pagsagot ng mga exercises at masmarami pang pagbabasa...

ang araw ko ay magsisimula ng 5.30am, medyo maaraw na yon kasi magbabasa ako ng kaunti hanggang 7am... maliligo, magaayos hanggang 7.45am at maglalakad papuntang review school dahil 8am to 12noon ang pasok ko... one hour per subject...

pagkatapos kakain ng lunch together with my boylets... siguro matatapos kami ng 1.30pm... papahinga ng konti, siesta dhil 2.30pm review session ko na with oj... hanggang madaling araw na yon... pero may interruptions yon ng pagkain ng dinner, konting chikahan, pagligo at pahinga in between... wala akong tv set sa pad dahil alam ko dedemonyohin lang ako noon... sana pumasa ako...

sweet... kinilig daw ako...

yesterday, july 17, 2009 pumunta kami ng galleria para maggrocery... konti lang pinamili namin since masmahal doon, kaya't yung talagand kailangan na kailangan lang yung kinuha namin...

after the grocery part, kumain kami sa las paellas... nag-order kami ng paella marinera... masarap siya... hindi talaga ako fan ng paella, before nagluto nanay ko ng paella for noche buena, tinikman ko lang kasi hindi masarap, pero yung inorder namin, grabe masarap siya... at mabigat sa tiyan... the taste is worth the wait... at ayon na naman napag-usapan na naman namin yung kasal thing... at matigas pa din ako na hindi ako pakakasal sa kanya hanggat wala yung engagement ring ko... napag-uusapan namin siya ng casual, ng seryoso pero hindi tunog seryoso kasi we know na kami na talaga pero we're not yet ready for some reasons...

para matadtad kinain namin, naglakad-lakad kami since till 10pm ang mall... medyo bitin nga kasi ang tagal-tagal na talaga namin hindi nagpupunta ng mall... heto ang main issue, while walking, para kaming mga teenagers na in-love... akbay, h.h.w.w., tapos usap na light... ang gaan ng feeling.. in fairness kay my love, nagbibigay siya ng effort... i can feel and see his efforts... i know i am secured... love you my love... muuuaaahhh

a new way of dating

mike and i have a new way how to spend time with each other... hindi ko alam kung sign na nga ba ito ng pagtitipid o baka naman dahil tumatanda na at maslumalalim ang aming relasyon, masmagandang gugulin mo na lang ang oras mo productively at quietly...

kung noon, ang date namin ay nasa mall at window-shopping... ngayon, ang dating (going out) para sa amin ay pumunta ng palengke (yes, palengke with wet and dry section) at magluto ng lunch para sa aming dalawa at sa mga kapatid nya... oo napakasimple nya, pero nag-eenjoy ako especially teaching him how to cook... nakikita mo sa kanya yung desire nya na tumulong magluto at matutong magluto... pero sana kapag nagkaroon na kami ng bahay... hwag nya masyadong dumihan ang kusina ko... pero kung masarap ang lulutuin nya... hhhmmm??? okay na pambayad yun,,, hehehehe

welcome back!!!

almost two months na akong walang entry for my blog... dahil dibdiban to the max na ang review at pagdating sa bahay, masmaganda na lang na magpahinga, dahil on weekdays walang tulugan para lang makarami ng basa..

my last entry was about mike and i breaking up and being together again... i'll just give you updates... habang tumatagal, mas gumaganda... well communication really works... siguro kung meron kang ayaw sa partner mo, tell him... hwag kang matatakot sa magiging reaction nya, masmaganda sabihin mo para malaman nya na meron kang ayaw at para makapag-compromise kayo... kasi kpag hindi ka nagrereact... iniisip kasi nila na okay lang yon... kasi hindi ka umaalma diba...