Sunday, December 20, 2009

super down

di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko... ano ba to quarter life crisis!!!! im already twenty six years old at wala pang nangyayari sa buhay ko... my friends are already earning their own money and maybe starting to benefit from it pero ako heto... nag-aaral pa din... 100% parasite sa parents and can't even decide for my own... gggrrrr!!!!

im still wondering at medyo masakit pa ang loob ko... tinatanong ko sa sarili ko kung ano ba ang ginawa ng mga pumasa kong kaklase na hindi ko ginawa... iniisip ko na lang na kasi sila lumaklak ng vitamin c ako hindi... pero its bullshit!!!! nag-aral naman ako... i even went to st. jude church and heard mass every thursday... pero wala pa din...

ngayon, im trying my luck for the second time around... at this time... super mag-isa ako ngayon... magreview at mag-aral... minsan kapag nag-iisa ako sa dorm... di ko mapigilan na tumanga at isipin kung ano na ba nangyari sa buhay ko...minsan napapaiyak na lang ako kasi na-ho-homesick na ko na parang gusto ko ng sumuko... na gusto ko ng umuwi

ngayon... magpapasko... ganito na ba talaga ang tumatanda??? di mo na makita ang ganda ng pasko... parang isa na lang siyang ordinaryong araw? pero what makes it different from other ordinary days ay may nakasabit na parol... madaming bling-bling... pero di ko talaga makita ang saya... kahit anong gawin kong hanap sa sarili ko... di ko maramdaman ang saya ng pasko...

masyado na ba akong nagiging negative sa buhay... siguro oo... pero ayaw ko ng ganitong feeling... siguro masmagandang pagurin ka physically araw-araw para pagdating mo sa bahay, kakain at matutulog ka na lang... di ganito na wala ka ng ginawa sa buong araw kundi mag-aral... nakakabwisit at nakakasira lang ng araw... di ako sanay sa ganitong scenario... gusto ko napapagod ako... gggrrr!!! ayaw ko na ang ganito... i hate it.. damn!!!