first pre board exam namin last february 13-14... yes valentine's day, sakit ng ulo ang inabot ko kakasabot ng questions sa exam...
and after one week of waiting... lumabas na ang results... nasa top 100 ako... 94th to be exact... grabe ang saya-saya ko... gusto ko sumigaw kasi lahat ng pagpupuyat ko nagbunga ng magandang resulta... habang nag-uumpisa pa lang yung review, sabi ko sa sarili ko since na 2nd review ko na ito at ang mga kasabayan ko ay puros first timers, dapat umangat ako... nakakahiya naman kung bagsak pa din ako ngayon... kaya nagaral ako ng mabuti... giving more attention to the subjects na talagang bagsak ako last board exams... and hindi naman ako nagkamali... okay naman ang resulta diba...
siguro nakatulong din sa akin ito kasi, may isa lang akong napansin sa sarili ko on those exam days... im confident na i can nail the exams... nung nakita ko na yung test paper ko, di ako nagpatalo sa kaba and sa idea na i would lose this battle... sagot lang ng sagot... ubusin ang alloted time para sa exam... napansin ko din yon sa mga previous exams ko sa undergrad, na kapag confident ako na hindi ako kinakabahan, matataas ang score ko... kasi alam ko yung pinag-aralan ko, naiintindihan ko...
nakakahiya man aminin, i also resorted to luck... diba chinese new year yung february 14... kaya lahat ng pwede kong isuot na color red, sinuot ko!!!!! nail polish ko red, undies ko red tapos shirt ko maroon (at least shade of red pa din)... and sabi nila bago sumapit ang chinese new year, magpa-make over ka... kaya ayon nagpafoot-spa, mani-pedi and haircut ako... hehehe... siguro hindi naman masama yon basta ang importante, i've done my part by studying my lessons well...
sana magpatuloy pa yung ganitong resulta hanggang board exam proper...