Monday, September 29, 2008

love which never fades

last friday, napanood ko sa cinema one yung movie ni john lloyd at bea (i don't know the title) wherein magbestfriend si john lloyd at bea na in-love naman kay sam milby at in the end, na-realize ni bea na in love pala talaga sya sa bestfriend na...

merong part doon na sinabi si nova villa na talagang na-struck ako... sabi nya

"before sila maging magkasintahan ng asawa nya, naging magkaibigan muna sila... magandang magsimula muna kayo as magkaibigan para kapag kinasal kayo at tumanda na, kahit mawala na ang kilig at romance, ang maiiwan na lang ay ang friendship"...

naalala ko yon kapag naririnig at nakikita ko na nag-uusap na parang magkaibigan si nanay at tatay... at their age, they can discuss any topic under the sun, mapa-politics ba yan or tungkol sa dramang pinapanood nila... ang smooth ng conversation nila, na para bang ang tagal nilang hindi nagkita at tunog bagong magkasintahan na sabik na malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa isa't isa...

tama din siguro ang character ni nova villa kasi kapag nag-umpisa kayo na magkaibigan, naging magkasintahan, tapos kinasal at tumanda na, kahit mawala na ang kilig factor, mawala na rin ang tawag ng laman, nagsasama kayo dahil sa companionship na may respeto para sa isa't isa... nagsasama kayo hindi lamang sa dahil ito'y kailangan, kundi ito ang gusto nyo, na sa bawa't pag-uusap hind siya nakakasawa kung hindi ito ay nagiging makabuluhan at masaya...

natutuwa ako dahil sa tagal-tagal na magkasama nila nanay at tatay (to date, they are on their 29th year of marriage), di pa rin nagbago ang pagtitinginan nila parasa isa't isa... sana sa aking pagtanda, abutin ko din kung anong meron sila ngayon... siguro napaka-gandang pagmasdan ang dalawang taong namumuti na ang buhok na naglalakad sa kalsada na magkahawak kamay...

Saturday, September 27, 2008

10th Inter-Collegiate Finance Competition

noong ika-19 ng setyembre, 2008, ako kasama ng apat ko pang mga kaklase, nagpunta kami ng UP Theater para makipaglaban sa 10th Inter-Collegiate Finance Competition...syempre kinakabahan ako kasi ibang level na naman ang napasukan ko - of course national level na to noh... hindi ko ba alam kung bakit nakikita ng mga kaklase ko na napakatalino ko... siguro naiisip nila na as you grow older, you gain more knowledge...

actually, elimination round pa lang ito, pero 88 schools around the Philippines ang kasama dito... syempre kasama dito ang top 4 schools ng Pilipinas at iba pang eskwelahan na masasabi mo na kahit hindi kilala dahil sila ay nasa visayas at mindanao, may ibubuga naman...

pinasok ako sa easy round, kasama ko si tin at si leo...maganda pala ang kaagad ka sinasalang sa isang paligsahan kasi hindi ka na kakabahan at papawisan sa nerbyos kasi ang aim mo lang ay maisip ang tamang sagot para makapuntos... ang puntos? 14 over 20... not bad sa umpisa... at least mas mataas kami sa rival school namin... eheheheh

we sticked to the plan na ipasok ako ulit ng average... dito, mejo sumemplang ang score namin... walang lumabas sa mga pinag-aralan ko (Economics ang toka ko)... dapat ang pinasok dito ay yung isa pa naming kasama dahil dito lumabas ang mga pinag-aralan nya... gayon pa man, masmataas pa din kami sa rival school namin...

lunch time na... walang matinong pagkainan na malapit sa UP Theater dahil 2pm na noon at wala ng pagkain ang canteen... well, dahil hindi pa ko nag-aagahan, nagtiyaga ako sa turon... nasatisfy naman ako dahil matamis...and since hindi na ako papasok ng difficult round, pagdating ng sasakyan namin, nagpunta kami sa pinakamalapit na jollibee...

pagkatapos ng difficult round, sabi ng mga kaklase ko na dapat ako ang pinasok sa difficult dahil maraming economics question ang lumabas...

sa bandang huli, siguro kahit mali man ang mga diskarte namin at natalo kami, at least we did our best shot... kahit wala kaming nakuhang support from our hinayupak na department head, at least hindi naman kami naging kulelat and masasabi namin na dahil sa determinasyon namin na makapasok sa finals, kaya namin nakaya yung event na yon..

goodbye my friend


losing a pet dog does not differ from parting ways with a human friend… maybe for others… they may feel more terrible…
last 091408, i said my final goodbye to my for-sale-dachshund dog… for a month and a half, “Dax” (as my mother baptized him) had been my kakulitan at the store… he would usually play around with my cats and hide under my chair whenever the cat scratched him with his/her paws… i also missed his irritating barks as if they would be his last… and of course i also missed his lambing - the dog style…
eventhough i felt sad because of what happened, somehow im also thankful because as far as i’ve seen his new owner, Dax would be in good hands… she could afford his monthly check-up and daily dog food allowance… above it all, she could give the love that a man’s best friend should have…
eventhough Dax would never remember our times together, im glad that for a while Dax became my FRIEND…

christmas time in august

last august 08 i celebrated my 25th birthday together with my classmates… for an hour we had shake of our own choice of flavor… simple treat for a busy and hectic schedule that day….
last august 22, in lieu of my birthday, my forever kabarkada and I went to yellow cab (blsm sana next birtday ko kasama ka na)… and after our dinner, kodak-an time na…and here are our pixs…

see, hindi looking bloated after eating tons of pizza... hehehehe

my forever friends (blsm, hope next time kasama ka na)

yellow cab - junction... emmy sinong kinukuhanan mo, kami o yung establishment?...

my favortite picture of them all courtesy of manong guard of yellow cab..



lastly, last august 24, my mother out of the blue insisted us to go to the beach… syempre minsan lang cya magyaya at malapit na din kasi ang birthday nya… nagpunta kami half day… and ito ang mga pictures namin taken at camayan resort…






eventhough the event only lasted for a few hours, its worth it because for once we are complete and all of us did have fun in the beach...

my first blog @ blogspot

hay naku... sa wakas nakagawa na din... akala ko hindi na ko matatapos doon sa enter your password at reenter your password habang tinitignan ko yung password strength meter... buti na lang naawa ang Dyos sa akin kaya noong inulit ko, ayon naging maganda ang resulta...
actually i have na my a couple of blogs pero sa friendster account sya... noong nakita ko na may limit doon at i'm almost half way sa limit meter, parang somehow nawalan ako ng gana... pero noong nasabi ni emmy na sa blogspot na lang ako gumawa, nabuhayan ako ng dugo... syempre i could practice na my side of being a writer...
siguro ang gagawin ko na lang ay ililipat ko na lang ang mga ginawa ko sa friendster dito sa blogspot... sana maging maganda ang resulta ng blogspot ko... well sana Lord guide me... goodluck na lang sa akin at sa darating pang blogs...