Monday, September 29, 2008

love which never fades

last friday, napanood ko sa cinema one yung movie ni john lloyd at bea (i don't know the title) wherein magbestfriend si john lloyd at bea na in-love naman kay sam milby at in the end, na-realize ni bea na in love pala talaga sya sa bestfriend na...

merong part doon na sinabi si nova villa na talagang na-struck ako... sabi nya

"before sila maging magkasintahan ng asawa nya, naging magkaibigan muna sila... magandang magsimula muna kayo as magkaibigan para kapag kinasal kayo at tumanda na, kahit mawala na ang kilig at romance, ang maiiwan na lang ay ang friendship"...

naalala ko yon kapag naririnig at nakikita ko na nag-uusap na parang magkaibigan si nanay at tatay... at their age, they can discuss any topic under the sun, mapa-politics ba yan or tungkol sa dramang pinapanood nila... ang smooth ng conversation nila, na para bang ang tagal nilang hindi nagkita at tunog bagong magkasintahan na sabik na malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa isa't isa...

tama din siguro ang character ni nova villa kasi kapag nag-umpisa kayo na magkaibigan, naging magkasintahan, tapos kinasal at tumanda na, kahit mawala na ang kilig factor, mawala na rin ang tawag ng laman, nagsasama kayo dahil sa companionship na may respeto para sa isa't isa... nagsasama kayo hindi lamang sa dahil ito'y kailangan, kundi ito ang gusto nyo, na sa bawa't pag-uusap hind siya nakakasawa kung hindi ito ay nagiging makabuluhan at masaya...

natutuwa ako dahil sa tagal-tagal na magkasama nila nanay at tatay (to date, they are on their 29th year of marriage), di pa rin nagbago ang pagtitinginan nila parasa isa't isa... sana sa aking pagtanda, abutin ko din kung anong meron sila ngayon... siguro napaka-gandang pagmasdan ang dalawang taong namumuti na ang buhok na naglalakad sa kalsada na magkahawak kamay...