Sunday, October 5, 2008

sayang naman...

as tatay, donna and i drove papuntang store, binalita sa akin ni tatay na break na daw ang kuya ko at si ate joy... actually di ako masyadong nagulat kasi yung inaakala kong mistake by incidence pala na single status sa friendster account nya ay totoo pala...
napatunayan ko na kahit matagal na pala kayo sa isang relasyon (they are on their 9th year i suppose), hindi pa pala ito kasiguraduhan na kayo na ang magsasama sa hirap at ginhawa... kaya ngayon napaisip ako kung bakit at ano ang dahilan kung bakit sila naghiwalay, na sa tagal-tagal nila nagsama, ay ito pa ang naging dahilan kung bakit sila naghiwalay...
kaya habang pinag-uusapan namin ito ng kapatid ko, naitanong ko sa kanya kung bakit ka ba pumapasok sa isang bf-gf relationship... ito ang naging conversation namin...

kapatid: para may magmahal sa akin
ako: hanggang kelan... hanggang magsawa ka na
kapatid: hhhmmm... parang ganon na nga...
ako: diba kaya ka nga nagboboyfriend kasi eventually gusto mo sya na ang makasama mo for life...
nakikita mo na sya na ang aasawahin mo
kapatid: ay hindi din....

in the end, wala ding ending ang usapan namin...pero nalulungkot ako para sa kanila, kasi ang tagal na nila tapos mapupunta na lang sa wala ang 9 na taon... nakakapanghinayang...
Lord, sana tulungan mo ang mga matatandang iyon na mag-ayos para happy na silang dalawa ulit and sana kahit mahigit isang buwan na silang magkahiwalay, hindi pa huli ang lahat para pag-usapan ang mga nangyari at ibalik ulit sa dati ang relasyon...

No comments: