Sunday, December 20, 2009

super down

di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko... ano ba to quarter life crisis!!!! im already twenty six years old at wala pang nangyayari sa buhay ko... my friends are already earning their own money and maybe starting to benefit from it pero ako heto... nag-aaral pa din... 100% parasite sa parents and can't even decide for my own... gggrrrr!!!!

im still wondering at medyo masakit pa ang loob ko... tinatanong ko sa sarili ko kung ano ba ang ginawa ng mga pumasa kong kaklase na hindi ko ginawa... iniisip ko na lang na kasi sila lumaklak ng vitamin c ako hindi... pero its bullshit!!!! nag-aral naman ako... i even went to st. jude church and heard mass every thursday... pero wala pa din...

ngayon, im trying my luck for the second time around... at this time... super mag-isa ako ngayon... magreview at mag-aral... minsan kapag nag-iisa ako sa dorm... di ko mapigilan na tumanga at isipin kung ano na ba nangyari sa buhay ko...minsan napapaiyak na lang ako kasi na-ho-homesick na ko na parang gusto ko ng sumuko... na gusto ko ng umuwi

ngayon... magpapasko... ganito na ba talaga ang tumatanda??? di mo na makita ang ganda ng pasko... parang isa na lang siyang ordinaryong araw? pero what makes it different from other ordinary days ay may nakasabit na parol... madaming bling-bling... pero di ko talaga makita ang saya... kahit anong gawin kong hanap sa sarili ko... di ko maramdaman ang saya ng pasko...

masyado na ba akong nagiging negative sa buhay... siguro oo... pero ayaw ko ng ganitong feeling... siguro masmagandang pagurin ka physically araw-araw para pagdating mo sa bahay, kakain at matutulog ka na lang... di ganito na wala ka ng ginawa sa buong araw kundi mag-aral... nakakabwisit at nakakasira lang ng araw... di ako sanay sa ganitong scenario... gusto ko napapagod ako... gggrrr!!! ayaw ko na ang ganito... i hate it.. damn!!!

Friday, November 6, 2009

i hate it!!!

ggrrr!!! i'm getting allergies by eating chicken... i hate it!!!

Wednesday, October 28, 2009

this day is so damn tiring

october 28... birthday ng isa sa mga forever buddies ko, si emmy... at fiesta sa amin...pero im not expecting any visitor today kasi weekday... hehehe... i started the day with cleaning the house... actually continuing cleaning the house because i started the general cleaning last monday pa (you know with all the waxing the floor, wiping the furniture) and up to know i am not yet finished...

by mid-day, i started cooking baked macaroni and preparing fruit salad... ayon... hindi kami nakapanood ni emmy ng movie kasi masyado matrabaho ang napili kong dish... siguro sa friday na lang...

Monday, October 26, 2009

to my new found adviser

internet do really connects us... i found a new friend and sort of an adviser too... actually hindi ko talaga siya kilala... it all started by, that person commenting on one of my posts...

- to my very good adviser and new found friend... eventhough i dont know you... maraming salamat...

Wednesday, October 21, 2009

the second blow

after failing the exams... i observed that i became too emotional as well as sensitive... at ngayon ko pa lang makakausap nanay ko after what happened... i know 100% i will cry kapag kausap ko na sya... pero kailan nyang malaman plans ko kasi siya din naman gagastos sa review ko if ever magrereview ako ulit...

actually, taking up accountancy is my mother's idea... accepting it gave me an opportunity to go against her (that was almost 6 years) kasi hindi nya ako pinayagan magtrabaho after graduating business administration (business administration is my first and accountancy is my second degree) i just asked her to give me two years to work outside... to gain experience as well as new friends and connections... tapos babalik na ko sa tindahan namin para tumulong... eventually... nagustuhan ko na din yung accountancy... it taught me a lot and i gained new friends...

nag-usap kami ng nanay ko... as perceived... yun nga umiyak ako... i told her that i am sorry... that for the second time around... i disappointed her... nag-aral naman ako ng mabuti... talagang mahirap lang nga ang exam... sabi nya hindi ko naman daw siya na-disappoint and there will always be next time... siguro hindi pa ngayon ang tamang oras... ayon pumayag siya na magreview ako ulit... siguro ito na to...

P.S.

to lancemica... thank you for the nice comment... eventhough i dont know you personally... i want you to know that it is heart warming... thank you very much
...

lancemica wrote...

"Life is like a game of tennis. You have no choice over how that ball comes to you, but it's how you hit it back that counts."

- Don't Stop Believing

Monday, October 19, 2009

i failed the october cpa board exam

while i was waiting for the results... hindi ko maintindihan ang feeling... excited na kinakabahan... buti na lang busy ako renewing my driver's license... the verdict hour came... (15:00) at kinakabahan ako... hindi mo naman na maiiaalis na somehow na umasa kang papasa kasi you worked hard for it... na hindi ka na natutulog... wala na ring lakwatsa at gala days... puros aral na lang talaga

the moment i learned that i failed... gusto kong umiyak... kaso ayaw lumabas ng luha ko siguro dahil kausap ko pa mga kaklase ko... pero when i talked to my tatay... doon na... walang ka-effort-effort... tumulo na lang ang luha ko... at kahit pinipigilan ko... parang it so relieving at that time na umiyak ako... gusto ko din sumigaw at magmura kaso i promised na hindi na ko magmumura just for the sake of expression...

this time para akong nabroken hearted na on denial stage pa... na kung detachable lang ang puso... sana inalis mo na muna para hindi mo maramdaman ang sakit at that very moment crying will be your best friend... to release the tension as well as the stress...

ngayon... hindi ko pa alam kung paano tatayo... ang alam ko kelangan ko ulit magtake ng board exams by may... pero wala pa kong concrete plan...

kung gaano ka-distort ang entry ko... ganoon din ako ngayon... i hope i could recover soon because until now it really hurts... im still asking ano ba ang ginawa nila na hindi ko ginawa na bakit sila pumasa ako hindi...

Tuesday, October 6, 2009

about the exam

ilang araw na lang exam na... kaya mas lalo akong kinakabahan... i know nagaaral naman ako ng mabuti... pero natural lang ang ganitong feeling... pero hindi ko ito gusto... sana pumasa ako...

Monday, September 21, 2009

what i am doing lately

of course review review review, to the point na wala ng pumapasok sa utak ko... na kung ikukumpara sa tao, gusto na nyang magsuka dahil sa dami ng ipinapasok nya sa katawan nya...

well last weekend, kakatapos lang ng final preboard examinations namin... and as usual... daming hula... well that only shows na i should study even harder...

after the exams, i have a one day off... i did i spend it? i had a movie marathon - kimmidora and in my life.. grabe tawa ako ng tawa sa kimmidora... promise!!! ang pagiging funny kay eugene domingo ay natural... hindi trying hard.. swabe lang... i thought it was just a you know baduy movie... pero mali.. bigatin ang mga stars like piolo pascual, regine velasquez and jinggoy to name a few

doon naman sa in my life...sana mas may class ang pagkamatay ng character ni lucky manzano... hindi dahil lang sa pagiging tanga-tanga dahil sa phone... pero ang moral lesson doon, kapag tumatawid ka ng daan, hwag tumingin sa cellphone...

Tuesday, September 8, 2009

happy 6th anniversary

happy 6th anniversary!!! yup... anniversary namin ngayon ni mike... well.. since im on a review mode, hindi kami magkikita... siguro sa weekends na lang... anyways... kahit hindi perfect ang relationship natin... i know you're the best for me... loves yahhh... muaaahhh!!!

Wednesday, September 2, 2009

my love's birthday

last september 01 09 marks Mike's 27th birthday... we'll dahil crisis ang pinas ngayon, we went to robinson's manila to eat and window shopped... para naman malapit din sa tinitirhan ko (ninakaw ko lang ang oras sa review session ko...) anyways we had fun sa kakatingin at may bago siyang rubber shoes... hehehe

Saturday, August 29, 2009

kung sa minamalas ka nga naman

gggrrrr!!! nawala ang driver's license ko!!!! kaya kayo.. hwag kayong pupunta sa mall na naka-sale na may dala dalang travelling bag... i lost my coin purse... may 500 pesos na laman, tapos driver's license na expired na hindi ko pa napaparenew, susi ko sa munti kong tahan at ticket ko para sa mga pinalabhan ko... gggrrr!!!!

Saturday, August 15, 2009

review mode

bagsak ako sa last pre-board namin... hindi ako umabot sa cut-off na 75% at may score ako na below 65... yes i was depressed... pero alam ko naman may mali ako... nag-aral ako 4 days before the exam and wala talaga akong idea kung paano sila gumawa ng exam questions...

ngayong may idea na ako and i want to really pass the exams... i will study harder at ngayon pa lang sisimulan ko na (actually that's what im doing right now) i can feel the urge... the desire to study more... wala ng tulugan... grabe... gusto ko pa mag-aral kaso kulang ang 24 hours sa isang araw!!!

Saturday, August 8, 2009

on my birthday

sa birthday ko...
  • mike and i ate at amici... had cookies and cream ice cream and chocopistaccio cake... the cake is delicious but the ice cream --- yummy!!! better than haagen dazs ice cream...
  • mike bought me a lacoste bag!!!! yippeeee!!!!

on my birthday...

to all who greeted me on my birthday... thank you very much... 26 years old na ko... i realized na ganoon na pala ako katanda... and kahit mga bata ang kasama mo at through them, nakakainom ako sa fountain of youth, being with them would not change the fact that im four years older than them... heto ba ang tinatawag na quarter life crisis?

sa tanda kong ito, im still 100% dependent... im still living with my parents and i dont have any source of income... grabe lahat ng mga kaibigan ko at batchmates may work na at nagsisimula ng bumuo ng family, ako nagrereview pa for the board exam!!!

sa first twenty five years ng buhay ko, nakita ko naging aggressive ako, nalihis ang buhay ko (not necessarily napariwara) at nakagawa ng mga desisyong hindi maganda at may mga taong nadamay at nasakripisyo... for that im very sorry and from those mistakes, i learned my lessons...

eventhough ganon pa man ang nangyari, i believe life is beautiful and it has lots of good things to offer... sana sa next quarter ng buhay ko, kumilos at mag-isip ako nang naaayon sa edad ko at maging mas lalong kapakipakinabang...

para kay tango...

sa tagal-tagal at sa dami-rami ng mga pa-despedida sa kanya... sa wakas, natuloy din siya sa dubai last august 5...good luck na lang kay tango at sana yumaman siya doon...ba, malay natin makakita siya ng oil sucker doon... hehehe

Saturday, July 18, 2009

buhay reviewee

grabe nakakapagod ang buhay reviewee... sobrang stressful... ang buong araw mo ay nilalaan mo lang sa pagbabasa, pagsagot ng mga exercises at masmarami pang pagbabasa...

ang araw ko ay magsisimula ng 5.30am, medyo maaraw na yon kasi magbabasa ako ng kaunti hanggang 7am... maliligo, magaayos hanggang 7.45am at maglalakad papuntang review school dahil 8am to 12noon ang pasok ko... one hour per subject...

pagkatapos kakain ng lunch together with my boylets... siguro matatapos kami ng 1.30pm... papahinga ng konti, siesta dhil 2.30pm review session ko na with oj... hanggang madaling araw na yon... pero may interruptions yon ng pagkain ng dinner, konting chikahan, pagligo at pahinga in between... wala akong tv set sa pad dahil alam ko dedemonyohin lang ako noon... sana pumasa ako...

sweet... kinilig daw ako...

yesterday, july 17, 2009 pumunta kami ng galleria para maggrocery... konti lang pinamili namin since masmahal doon, kaya't yung talagand kailangan na kailangan lang yung kinuha namin...

after the grocery part, kumain kami sa las paellas... nag-order kami ng paella marinera... masarap siya... hindi talaga ako fan ng paella, before nagluto nanay ko ng paella for noche buena, tinikman ko lang kasi hindi masarap, pero yung inorder namin, grabe masarap siya... at mabigat sa tiyan... the taste is worth the wait... at ayon na naman napag-usapan na naman namin yung kasal thing... at matigas pa din ako na hindi ako pakakasal sa kanya hanggat wala yung engagement ring ko... napag-uusapan namin siya ng casual, ng seryoso pero hindi tunog seryoso kasi we know na kami na talaga pero we're not yet ready for some reasons...

para matadtad kinain namin, naglakad-lakad kami since till 10pm ang mall... medyo bitin nga kasi ang tagal-tagal na talaga namin hindi nagpupunta ng mall... heto ang main issue, while walking, para kaming mga teenagers na in-love... akbay, h.h.w.w., tapos usap na light... ang gaan ng feeling.. in fairness kay my love, nagbibigay siya ng effort... i can feel and see his efforts... i know i am secured... love you my love... muuuaaahhh

a new way of dating

mike and i have a new way how to spend time with each other... hindi ko alam kung sign na nga ba ito ng pagtitipid o baka naman dahil tumatanda na at maslumalalim ang aming relasyon, masmagandang gugulin mo na lang ang oras mo productively at quietly...

kung noon, ang date namin ay nasa mall at window-shopping... ngayon, ang dating (going out) para sa amin ay pumunta ng palengke (yes, palengke with wet and dry section) at magluto ng lunch para sa aming dalawa at sa mga kapatid nya... oo napakasimple nya, pero nag-eenjoy ako especially teaching him how to cook... nakikita mo sa kanya yung desire nya na tumulong magluto at matutong magluto... pero sana kapag nagkaroon na kami ng bahay... hwag nya masyadong dumihan ang kusina ko... pero kung masarap ang lulutuin nya... hhhmmm??? okay na pambayad yun,,, hehehehe

welcome back!!!

almost two months na akong walang entry for my blog... dahil dibdiban to the max na ang review at pagdating sa bahay, masmaganda na lang na magpahinga, dahil on weekdays walang tulugan para lang makarami ng basa..

my last entry was about mike and i breaking up and being together again... i'll just give you updates... habang tumatagal, mas gumaganda... well communication really works... siguro kung meron kang ayaw sa partner mo, tell him... hwag kang matatakot sa magiging reaction nya, masmaganda sabihin mo para malaman nya na meron kang ayaw at para makapag-compromise kayo... kasi kpag hindi ka nagrereact... iniisip kasi nila na okay lang yon... kasi hindi ka umaalma diba...

Saturday, May 30, 2009

happy ending ulit

the day after we broke up... we ended up together again... pinagsisihan ko na hindi ko pinag-isipan to the maximum level ang pakikipaghiwalay ko sa kanya... and i realized things na i took for granted before dahil nga sa matagal na kami - na kung maswerte siya sa akin, mas-maswerte pala ako for having him in my life.. i know he had childish views before and i hate him for it, pero as time flies, i may say he is maturing...

isa pang point kung bakit ko nasabi na maswerte ako sa kanya ay sa dami na ng pinagdaanan namin at ng mga kasalanan na nagawa ko sa kanya, nandyan pa din siya for me at hindi siya sumusuko... yun lang nga, siguro sa nangyari sa amin, oo madalas kami nag-usap, but we seldom communicate...

sa ngayon, we are trying to bring back the spice in our relationship... and week after week, it keeps getting better and better... yyyeeebbaahhh!!!

Friday, May 29, 2009

a nightmare

kahit pala ang pinakagusto mong ulam ang kakainin mo araw-araw, darating din ang panahon na magsasawa't magsasawa ka din...dumating ako sa puntong, nagsasawa na ko sa relasyon ko dahil, isang beses na lang nga kami magkita sa isang linggo, pare-parehas pa ang ginagawa namin... alam mo yon, walang pagbabago... instead na i am looking forward to seeing him, nagiging obligasyon na lang ang pagkikita namin...

isa pang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay lis that, pikang-pika na ko (alam ko naman na matimpihin at pasensyoso tao ako... pero sobra-sobra na) sa panunukso nya na mataba ako... walang araw na hindi nya pinamukha sa akin na mataba ako... meron pa ngang iba na masmataba sa akin... bakit hindi nya ba nakikita ang pagmamahal ko over my physical attribute na hindi pleasing sa kanyang mata??? and as of now losing weight is my least priority kasi i'm reviewing... i want to pass my board exam and i dont have any time to go to the gym and exercise... diba mas maganda na sana bigyan nya na lang ako ng moral support kaysa sa ganito na na-dedemoralize ako sa kanya...

hindi ko alam kung ano kahihinatnan ng ginawa kong pakikipaghiwalay sa kanya, kung kakayanin ko ba or whatsoever... i know i love him so much but i want him to realize kung anong mawawala kapag hindi na ko sa kanya...

Thursday, May 21, 2009

4ba4 reunion part1

last 052009, almost five years after graduation and of course not seeing them, ang nagsimula sa yayaan sa ym at walang kamatayang yayaan sa text ay nangyari... the first ever 4ba4's mini reunion... of course mini lang dahil 6 lang kami nagpunta...

it was held at tong yang (megamall)... madami
ng kwentuhan... sa mga buhay-buhay namin after 5 years... at lahat sila successful na... ako.. kahit wala pa akong trabaho ngayon, soon i'll be a CPA...

pero next time, dapat weekend na ang part two... at for sure na yon... madami kasi nagrerequest para makapunta naman ang madami...

at heto ang aming mga pictures... hehehe... walang masyadong nagbago sa mga pagmumukha ng mga tao
after 5 years...





















Tuesday, May 12, 2009

a.k.a. despedida

second on my list of adventures this may was cathrina's despedida... last 0511-1209, we pushed through our much anticipated pa-despedida for cathrina.. madaming beses na siyang na-rescheduled due to some fortuitous events and to give way to her other activities... umuwi ako ng pampanga ng maaga para makapag-prepare for the despedida because we want it to be as memorable as possible... since meron syang interview ng umaga and gabi pa ang punta namin sa subic, for the mean time emmy and i went to angeles to get my TOR and helped her tita...
so gabi na, umuulan daw sa manila and cathrina is expected to arrive pampanga by 8.30 - 9.00pm.. she suggested na tomorrow morning na lang kami pumunta ng subic para salubungin ang bukang liwayway... i insisted na gabi na kami pumunta kasi nahihirapan akong gumising ng umaga... so we ended na kaming dalawa ni emmy ang pumunta ng subic tapos susunod na lang si cathrina tomorrow morning...
at subic, we first went to pier one, nanood ng banda and ordered calamares, fries and shakes... wala talaga kaming intention na uminom, ang gusto lang namin ay manood ng banda at magsaya...

after pier one, we went to ocean view para mag-camp... it was my first time na matulog sa isang resort na naka-tent... since may kape ako sa katawan, hindi ako masyadong nakatulog and talagang gusto kong makita ang sunrise...

cathrina didn't make it noong umaga kasi nagkaroon sya ng emergency exit interview with the general manager... so emmy and i decided to swim na lang din sa ocean view kaysa sa gumastos pa kami just to swim sa camayan or white rock...
we ate lunch sa the coffee shop... astig... doon ko lang nakitang malakas pala kumain si emmy (parehas lang kami)... ang good for 3-4 persons, kinain lang naming dalawa ni emmy... we had seafood platter, chicken fried rice and jumbo tacos... yummmyyyyyy!!!!
our day ended by meeting cathrina sa northwalk 2... we had halo-halo... konting kwentuhan and then uwian na...
sayang lang nga hindi namin nakasama si cathrina sa subic... siguro it would be happier kung kasama namin sya...


Thursday, May 7, 2009

bsa summer '09

my first adventure on my list is the bsa5 summer escapade... and we have a long list of visitors... masmadami pa ata

ang visitors namin kumpara sa bsa5... it was held last may 05-06, 2009 at fontanna... it was a time to party before magsimula ang review sessions namin... umaapaw na pagkain, nakakabitin na alak, madaming kwentuhan at sayawan ang nangyari... okay lang yon diba kasi pagkatapos nito, puyatan at serious mode na sa pagrereview ang lahat for the boards.... lahat naman ay nag-enjoy... kahit na may pangyayaring di inaasahan, kailangan the show must go on... sayang lang nga hindi kami nakapag-swimming kasi umuulan... di ko alam sabi nila may bagyo daw... so heto na mga picture's ng "one night escapade" ng bsa5...

Saturday, May 2, 2009

my first time

grabe ngayon ko lang naranasan sa talambuhay ko na balik-balikan ang isang carinderia hindi dahil masarap doon ang pagkain... kung hindi para makinood ng tv para sa inaabangan kong "fated to love you"...

...bawal magdala ng tv... mawawala ang focus ko sa review... isa siyang limonyo!!!!

Friday, May 1, 2009

review 101

start na ng self review ko... sana madami akong matapos...

start na din ng adventures... sana makarami...

and that is what you call BALANCING and TIME MANAGEMENT... bow

Sunday, April 26, 2009

graduation

yeebbbaaahhhhhhh!!!!! im a certified degree holder in accountancy...

april 25, 2009... graduation day ko... kung hindi pa ako nakabili ng graduation dress ko, ma
lamang hindi ako pumunta sa graduation ko at nandoon ako sa boracay with my tito't tita... pero sympre, iniisip ko din si nanay, gusto ko makita nya ako umakyat ng stage as accountancy graduate... yun ang pinangarap nya sa akin... pero eventually, walang nakapunta sa school ko para mapanood ako umakyat ng entablado... ang rason... dahil sa pasaway kong bunsong kapatid... hindi kasi sya nagpaparam for almost three days... at kailangan pang i-research ang contact number ng tinitirhan nya para makausap siya... naiintindahan ko naman na yon... so nagkita-kita na lang kasi sa dinner...

si mike lang wala sa dinner... i do understand na meron cyang CBA meeting ngayon, pero nagtampo ako sa kanya... imagine hindi nya ako binati on my graduation day... at nandoon lang siya sa bahay ng ka-office mate nya, nakikipag-inuman... pero dahil nasa mood ako dahil graduation ko... sige okay lang... pero nandoon pa din ang tampo...



























after our dinner,
nakapangako na ko sa aking forever friends na lalabas kami... and so we did... at heto ang aming mga makukulit na pixs...
























































tapos na ang
buhay eskwela... susunod na ang review ko... seryoso na to... kasi this is my determining point, whether i would become a cpa now or later... and i chose to pass my exams on my first take... good luck...