
isa pang red wine please
what you see is what you get...
and as far i know, ganito ang luto ng authentic sisig... kahit nakatikim na ko ng sisig na galing sa dencios (lasang chicharon), gerry's grill ( medyo malalaki ang hiwa), lurings (sizzling sisig - masebo), almers-ust (sizzling sisig din - masebo)... iba pa rin talaga ang gawa ng kapampangan- mely's!!!
noong ika-19 ng setyembre, 2008, ako kasama ng apat ko pang mga kaklase, nagpunta kami ng UP Theater para makipaglaban sa 10th Inter-Collegiate Finance Competition...syempre kinakabahan ako kasi ibang level na naman ang napasukan ko - of course national level na to noh... hindi ko ba alam kung bakit nakikita ng mga kaklase ko na napakatalino ko... siguro naiisip nila na as you grow older, you gain more knowledge...
actually, elimination round pa lang ito, pero 88 schools around the Philippines ang kasama dito... syempre kasama dito ang top 4 schools ng Pilipinas at iba pang eskwelahan na masasabi mo na kahit hindi kilala dahil sila ay nasa visayas at mindanao, may ibubuga naman...
pinasok ako sa easy round, kasama ko si tin at si leo...maganda pala ang kaagad ka sinasalang sa isang paligsahan kasi hindi ka na kakabahan at papawisan sa nerbyos kasi ang aim mo lang ay maisip ang tamang sagot para makapuntos... ang puntos? 14 over 20... not bad sa umpisa... at least mas mataas kami sa rival school namin... eheheheh
we sticked to the plan na ipasok ako ulit ng average... dito, mejo sumemplang ang score namin... walang lumabas sa mga pinag-aralan ko (Economics ang toka ko)... dapat ang pinasok dito ay yung isa pa naming kasama dahil dito lumabas ang mga pinag-aralan nya... gayon pa man, masmataas pa din kami sa rival school namin...
lunch time na... walang matinong pagkainan na malapit sa UP Theater dahil 2pm na noon at wala ng pagkain ang canteen... well, dahil hindi pa ko nag-aagahan, nagtiyaga ako sa turon... nasatisfy naman ako dahil matamis...and since hindi na ako papasok ng difficult round, pagdating ng sasakyan namin, nagpunta kami sa pinakamalapit na jollibee...
pagkatapos ng difficult round, sabi ng mga kaklase ko na dapat ako ang pinasok sa difficult dahil maraming economics question ang lumabas...
sa bandang huli, siguro kahit mali man ang mga diskarte namin at natalo kami, at least we did our best shot... kahit wala kaming nakuhang support from our hinayupak na department head, at least hindi naman kami naging kulelat and masasabi namin na dahil sa determinasyon namin na makapasok sa finals, kaya namin nakaya yung event na yon..